Chinese International School at Mckinley Hill
Starbucks Coffee at Mckinley Hill
Pinoy Self-help Investing No.2, Ang plano ko pagna-turn over na itong condominium unit sa akin, dun muna kami titira ng future wife ko para hindi na rin kami mag-rent pa sa ibang apartment. Sa ganong paraan mas makakatipid na kami. Pagdumating ang time na makakuha kami ng isang residencial property, i-apply ko na itong condominium unit sa property management. Ito yung organization na namamahala ng mga apartments at condominium sa paghahanap ng tenant o nangungupahan at nangangalaga ng unit.
Isang malaking bagay sa pagkuha ng pre-selling condominium ay yung tinatawag na return-on-investment, ito yung profit o gain na makukuha mo dun sa perang binabayad mo as amortization (buwanan na pagbabayad). Kung magkano ang kuha ko dun sa condominium unit, magbabago na yung value at pwedeng mag-increase taon-taon depende sa takbo ng development dun sa area. Katulad ngayon, 2 years ko nang hinuhulugan yung unit at na-construct na yung Chinese International School at British Embassy. Currently, ginagawa na rin yung Town Center Mall at patapos na rin yung Chapel sa loob mismo ng McKinley Hills. Sa tapat ng main gate andun yung building ng Call Center at may mga popular fast-foods na rin like Pancake house, Mc Donalds, Seven-Eleven at marami pang kilalang restaurants. According sa Megaworld, usually nag-iincrease sila ng value starting at 7% to 15% per year. So, habang hinuhulugan ko pa lang yung unit ko may profit na ako sa annual increase. Ang value ngayon ng unit kung paparentahan ko ay minimum of Php 25,000 base sa standard rent fee dun sa place. Imagine after 2 years by 2011 pagturn-over sa akin possible na tumaas pa yung value ng rent. Ang target tenant ko dito ay yung mga foreign students, employees, expat at foreign businessmen. Naniniwala akong pagdating ng time na i-open ko na for rent itong condominium, pag-aagawan ito ng mga potential tenants.
Ganito ko naman nakikita ang flow ng investment income. Kung paparentahan ko itong unit ng Php 30,000 per month at nagbabayad lang ako ng approximately Php 12,000 sa bank re-finance ng unit, meron na kaagad akong Php 18,000 income. Simple lang ang idea, yung tenant na ang nagbabayad sa re-financing amount ko sa bangko at may income pa ako.
Isang magandang pananaw pagdating sa investment, dapat hindi mo tinitignan yung negative side kasi natural may mga risks, kundi ang tignan mo eh yung positive side at kung paano mo ko-kontrolin ang mga possible risks. Isang halimbawa ng risk, paano kung biglang umalis na yung tenant? So, stop na yung matatanggap kong income at saan ko kukunin yung pambayad sa bank-re-finance? Before pa mangyari ito dapat may plan na. Pwedeng solusyon dito, i-apply ko sa property management na may 1 year contract para alam ko na by the time na matatapos yung contract eh ano ba ang next plan na gagawin ko? I-advertise sa internet or magbigay ng mga brochures or ipa-continue ang contract ng pamamahala sa property management.
Pag-turn over sa akin ng unit on year 2011, half-amount na nung unit price ang nabayaran ko. Yung remaining balance ay i-apply ko sa bpi for bank-re-finance. Ang iniisip kong payment range ay 10 years. Ang idea kasi na naiisip ko, hindi yung galing sa akin ang ibabayad ko para sa re-finance kundi galing sa tenant. Kung investing ang pinaka-main purpose ko, dapat isipin ko kung paano kikita dun sa property na kinuha ko. (Continuation: Pinoy Self-hel Investing No.3)
No comments:
Post a Comment