Pinoy Self-help Investing No.1, Nag-umpisa akong magkaron ng hilig sa investing nung 26 years old ako. Kung iisipin mo medyo late na rin. Nagkaron ako ng interest nung nabasa ko yung book ni Robert Kiyosaki "Rich Dad, Poor Dad". Malaking realization ang naging epekto sa akin ng libro na ito kasi pinakita nya kung ano yung hindi natin nar-realize in just simple question "Gusto mo bang magtrabaho habang buhay?" at yung term na madalas nyang gamitin "Rat Race".
Biglang nag-flash back sa akin kung ano ba yung mga na-accomplish ko na mula nung bata ko. 5 years na akong nagttrabaho nung time na narealize ko yung pag-iipon at pag-invest ng perang pinag-hirapan. Pero nung ina-assess ko ang sarili ko, ano na nga ba ang mga naging preparation ko para sa bukas? Oo isang magandang bagay napatapos ko ng pag-aaral ang panganay na pamangkin ko sa 5 years na nagtatrabaho ako sa previous employer ko.
Inisip ko, ano nga ba ang preparation na ginagawa ko para maging financially free? Kelangan ko ba gawin yun? Bakit? Ang kasagutan simple lang. Ayoko nman magtrabaho habang buhay at pangarap ko talaga magtravel around the world hindi para magtrabaho kundi para makita ko lahat n ginawa ni Lord para sa atin. Marami sa atin gusto magbakasyon sa Paris, France, London, o kahit saang magagandang bansa pero hindi natutupad dahil sa kakulangan natin ng financial savings. Marami nagsasabi gahaman daw pag may ipon ka nang maraming pera. Oo dati yan din ang nasa isip at paniniwala ko pero ngayon, sinabi ko sa sarili ko kung ako ba magiging milyonaryo magiging gahaman ba ako? Gahaman bang i-spoil ang sarili mo sa mga pangarap mo? Minsan naiisip ko yung mga tanong na yun kahit wala naman talaga akong pera. Nakakatawang isipin na naglalakbay ang diwa ko sa mga ganong bagay. Tinatanong ko sarili ko bakit si Bill Gates nasa magandang estado na nang buhay? Tao din naman sya na gaya ko at marami pang mga masasabi nating successful individuals na kapareho ko lang din naman. Ang pagkakaiba lang pala ay yung drive o willingness ng tao na tuparin ang pangarap nya.
Marami na rin akong nabasang libro ng mga successful na tao at nakikita ko na may pagkakapareho sila pagdating sa mentality. Kelangan mo maging persistent at open sa lahat ng changes na posibleng dumating sa harap mo. Dahil kung hindi, mabubulok ka na kung nasan ka. Maraming nagsilbing inspirasyon sa akin kung kaya nilakasan ko ang loob ko na subukan kung ano yung mga sinimulan nila.
Nag-umpisa akong magbasa ng mga libro about investing nung year 2006. Dahil sa curiosity ko at eagerness na subukan i-apply ang mga natutunan ko naghanap ako ng mga potential real-estate properties. Nung April 2007, hindi na ako nag-atubili na kumuha sa MegaWorld, 32 sqm. pre-selling condominium sa McKinley hills, Fort Bonifacio. Nung time na yun, dini-develop pa lang itong area na ito. Mahalaga din pala yung tinitignan mo yung 5 years or 10 years after ng isang lugar para ma-appreciate mo ang value nung investment at ma-assess mo na rin kung magiging profitable ang real-estate property na kinuha mo. Isa pang malaking bagay at importante na dapat magkaron ay ang lakas ng loob na harapin ang risk na darating at dapat kahit pano pinag-hahandaan o alam mo na kung ano yung mga counter-measures kung dumating man.
Napili kong kumuha dun dahil sa vision ng MegaWorld na magtayo ng Chinese International School, British Embassy at Town Center Mall. Malaking factor yun para sa pagdesisyon ko na kumuha at hintayin ang magandang future na ibibigay nung location. Kinuha ko yun Php 25,000 ang reservation at binabayaran ko s'ya monthly starting at Php 10,000 for the first year, Php 12,000 for the second year. Ngayon, pang 3rd year ko binabayaran ko s'ya Php 16,000 monthly. May annual lumpsum na Php 100,000 kaya mas affordable dahil may time para pag-ipunan. The unit is amounting Php 2,145,000. Nung time na yun dahil may promo sila, nagkaron ako ng 7% discount. Mas mura kung ikukumpara natin sa mga complete condominium na and fully furnished considering na yung lugar ay center for business at napakalapit sa main gate, walking distance lang. 4 years ang turn-over period nito kaya by 2011 ay turn-over na sa akin ng unit. (Continuation: Pinoy Self-help Investing No.2)
No comments:
Post a Comment