Proud Pinoy - Jovit Baldivino

Jovit Baldivino - Lakas ng Pilipinas.



Jovit Baldivino, Maituturing na isa sa lakas ng Pilipinas. Hindi nasusukat sa nakaraan o kalagayan sa buhay ang layo ng mararating natin. Kung ano ang pinaniniwalaan mo ay yun ang mararating mo. Gawin lang natin palagi kung ano yung pinaka-best sa kakayahan na ibinigay sa atin at maniwalang matutupad ang mga pangarap. Mabuhay tayong mga Pilipino! Walang ibang magmamahal sa kapwa natin kundi tayo tayo ring mga Pilipino. Sulong sa pag-unlad ng bansang Pilipinas! Kung nagagawa ng pangunahing bansa ang kaunlaran, mas magagawa din natin ito sa sarili nating bansa. Likas sa atin ang galing at talino sa lahat ng bagay. Gamitin natin ito para sa ating bayan. Huwag natin hayaang lumipas ng walang naibibigay na magandang impluwensya sa ating mga kabataan. Hindi ito mahirap basta nagkakaisa at nagtutulungan tayo. Mabuhay ka Jovit Baldivino! Mabuhay tayong mga Pilipino!

No comments: