Pinoy Self-Help Investing No.9

Story of my Investing Adventures - Brilliant Reader

Pinoy Self-help Investing No.9, Saan ko naman kinukuha yung perang ginagamit ko para sa paghuhulog ng mga investments? Well, syempre ang pinaka-main source ko ay yung current job ko. Nung time na nakita kong medyo kaya na ng sweldo ko maglaan ng halaga para sa mga investments, dun ako nag-umpisang kumuha ng mga properties. Pero hindi ibig sabihin na dahil may trabaho ako eh dun lang ako umaasa para sa paghuhulog ng mga investments ko.
Marami na rin akong mga sinubukan na extra-income generating side business. Andyan na yung kumuha ako ng small unit of studio apartment sa Taguig, katabi lang ng unit na nirerentahan ko. Kinausap ko yung landlord kung pwede ko ba i-lease sa kanya yung unit at lalagyan ko ng mga gamit like double deck bed, table and chairs, refrigerator at television. Nung na-furnish ko yung unit, gumastos din ako ng around Php 22,000 lahat na ng gamit na nabili ko. Nag-advertise agad ako sa internet at in less than an hour eh marami na kaagad nag-email sa akin para magpa-schedule ng visit dun sa unit. Good location kasi yung nakuha ko kasi center sya and accessible between makati and fort bonifacio. Maraming nagkagusto kunin yung unit at within a week lang din may tenant na akong nakuha. Sa ngayon, nabawi ko na yung capital na ginamit ko and yung tenant ay mahigit 1 year na dun sa unit. Sa ganong paraan, nag-ggenerate na ako ng extra-income.
Hindi lang dun natatapos yung mga ventures ko, naisip ko din na ang passion ko talaga ay more on coordination. Sa trabaho ko kasi madalas ako yung nagiging project coordinator or team lead between Client at programmers. Natutunan ko kung paano makitungo sa mga Clients at kung paano kunin yung loob nila sa mga meetings or social gathering. At ang isa pa, mahilig ako makipagkilala sa mga businessmen or entrepreneur. Kasi sila ang nagiging inspirasyon ko sa investment ventures ko. Hindi ako nahihiyang magtanong sa kanila kung may mga questions ako about investing strategies. March 1, 2009 may nakasabay sa bus nung papunta ako sa Japan dormitory for my 6 months project assignment. Nakipagkwentuhan ako at nalaman ko na nag-iimport pala sila ng mga trucks, vans and other vehicles from Japan to Philippines. Nagpakilala ako na IT professional ako at nagkataon na naghahanap din sila ng website developer para sa business nila. Dahil IT ang line of profession ko, nagpresenta ako na maghanap ng freelance web developer para gumawa ng website nila. So, nagresearch ako sa internet ng mga freelance developer. Awa naman ng diyos, may nakilala akong gumagawa talaga ng website at nakita ko yung portfolio nila. Sa ngayon complete na yung website development at nag-undergo na ng function testing. Kapag natapos na lahat at running na yung website ay saka ko naman matatanggap yung referral fee ko.
Kung iisipin natin, maraming paraan para gumawa ng extra-income. Nasa initiative lang natin at courage na rin na i-implement kung ano yung idea na naiisip natin. May nabasa nga akong book na yung kwento nya ay tungkol sa pagkakaiba ng mga daga at ordinaryong tao. Hinahanap nila yung happiness or comfort zone nila sa isang maze. Yung mga daga flexible sa paghahanap ng cheeze sa loob ng maze at alam nila na anytime pwedeng maubos yung mga nakikita nilang cheeze sa bawat station ng maze. Yung ordinaryong tao naman, once nakita na nila yung cheeze sa isang station ng maze, dun na sila nag-stay at di na nila iniisip na posibleng maubos yun. Kumbaga dun na sila nag-stay sa kung saan komportable na yung buhay nila. Tapos nung time na nawala na yung cheeze pagbalik nila dun sa station, ang ginawa nung mga daga eh nag-ikot ulit sa ibang sulok ng maze, at yung mga ordinaryong tao naman ay desperate sa pag-investigate kung paanong nangyaring nawala yung mga cheeze. Di nila matanggap na ubos na at naghihintay sila na bumalik yung dating dami ng cheeze na nakita nila dun sa station na yun. Hindi makapag-move on sa mga possible changes na hindi inaasahan. Dahil dun, imbes na gumawa ng paraan na maghanap ng panibagong source ng cheeze sa ibang sulok ng maze, mas nagfocus sila sa pag-analyze kung saan napunta yung mga cheeze. Sa madaling salita, madalas ginagawang kumplikado ng tao yung mga bagay na simple lang ang solusyon. Katulad ng ginawa ng mga daga, nung nakita nilang wala na yung mga cheeze dahil nga ubos na eh naghanap na agad sila sa ibang sulok ng maze kung saan meron na naman source ng cheeze. Ang importanteng lesson na naitatak sa isip ko nung nabasa ko yung librong yun ay yung maging flexible at matutong umayon sa mga pagbabago. At ang isa pang importanteng pakahulugan para sa akin, dapat wag tayo masyadong magrely na kung ano meron tayo ngayon ay hindi magbabago at isang araw mag-iiba ang sitwasyon. Kung ano yung nakikita nating feedback ng sitwasyon, mapaliit man o malaki yan dapat tignan natin kung ano yung gusto iparating para mapaghandaan kung anuman yung posibleng mangyari. Ang ginawa kong keyword of reminder para sa akin sa lesson na itong napulot ko ay "Who moved my comfort zone?". (Continuation: Pinoy Self-help Investing No.10)

No comments: