Pinoy Self-help Investing No.8, Sa unang taon na hinuhulugan ko yung mga investments na kinuha ko, smooth naman ang pagbabayad ko ng monthly downpayment para dun sa dalawang lote ko sa Bulacan at monthly amortization naman sa Condo unit na nakuha ko sa McKinley Hills, Fort Bonifacio.
Pero may mga panahon na di mo inaasahan biglang magkakaroon ng emergency na di mo maiiwasan. Nung January 2008, habang nagttrabaho ako dito sa Japan ay biglang may napakalungkot na balitang gumising sa akin. Tumawag ang pamangkin ko galing sa pinas na binawian ng buhay ang panganay kong kapatid na babae. Nung narinig ko ang balitang yun hindi ako makapaniwala sa narinig ko, hanggang sa naramdaman ko na totoo na yung balita at agaran akong nagpaalam sa company ko sa Japan para makauwi ng Pilipinas at asikasuhin ang nakatatanda kong kapatid na binawian ng buhay. Nung buwan na yun ay sya rin mismong buwan na kelangan ko magbayad ng lumpsum para sa nakuha kong Condo unit. Kelangan ko mag-issue ng Php 106,000. Nung time na yun, imbes na masiraan ako ng loob, nag-isip agad ako ng paraan kung paano ko ma-cope up yung gastusin sa biglaang pangyayari na yun. Nag-salary loan ako sa company ko sa Manila at yun ang ginamit ko para sa lahat ng gastusin ng kapatid ko. Ang akala ko noon ay di ko na kayang bayaran ang mga hinuhulugan kong investments pero tuloy pa rin, hindi ako nagpatalo sa sitwasyon na yun. Bumalik agad ako sa Japan para ituloy ang project assignment ko at umusad sa gulong ng buhay. Nagsikap ako at nag-ipon para mabayaran ang ni-loan ko sa company at sa awa ng diyos nabayaran ko din naman at bumalik sa normal ang financial status ko na nababayaran ko ng maluwag ang mga investments ko.
Pagkatapos noon, February 2009 nakauwi na ako sa Pilipinas dahil katatapos lang ng project assignment ko sa Japan. May isa na namang emergency ang bumigla sa akin dahil may accute ulcer na pala ang aking ina at biglaang itinakbo sa hospital. Medyo delicate yung naging sakit nya dahil nag-bbleed yung loob ng tiyan nya kaya kinailangan na i-confine sya ng tatlong araw. Nung time na yun, katatapos ko lang din magbayad ng lumpsum na Php 106,000 dahil every January of the year ako nagbabayad para sa kinuha kong condo unit. Medyo kapos na naman ako nung time na yun kaya wala akong ibang naging takbuhan kundi ang mag-salary loan sa company at sumuporta din sa akin ang panganay kong kapatid na lalaki. Sa awa ng diyos ay nairaos din ang problemang iyon at nagamot naman at ligtas ang aking ina. Pagkaraan ng isang buwan, bumalik din agad ako sa Japan para sa panibago na namang project assignment. Nagpapasalamat ako dahil nakikisama ang panahon at yun ang pagkakataon para makabawi at mabayaran ko ang nahiram kong pera sa kumpanya. Sa ngayon, unti-unti nababawasan at mababayaran ko na yung perang nahiram ko at kahit paano nakakaahon na ulit. Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, dalawa ang lessons na natutunan ko.. Una, kailangan talaga naglalaan tayo palagi ng emergency fund na hindi natin ginagalaw para sa mga times na di natin inaasahan ay mayroon tayong mapagkukunan. Pangalawa, hindi tayo dapat umasa sa perang kinikita natin sa sweldo. Dapat nag-iisip pa rin tayo gumawa ng paraan na kumita sa ibang alam nating legal na paraan. Isang malaking challenge sa akin ang karanasan na yun at lalong tumatag ang tiwala ko na sa bawat problema ay may katapat na solusyon basta nagsisikap lang tayo palagi at nagdarasal.
Awa ng diyos, bumalik naman sa normal ang paghuhulog ko ngayon sa mga investments. Pangatlong taon ko nang nagbabayad ng amortization para sa Condo unit na kinuha ko at mai-turn over na sa akin yung unit at title sa February 2011. Makukumpleto ko na rin ang downpayment amount para sa dalawang lote na nakuha ko sa bulacan sa susunod na taon. Kung ihahalintulad natin ang mundo ng investment, para tayong nagpapaaral ng isang kolehiyo na tuluy-tuloy ang hulog mo ng sustento para sa pamasahe at kung iisipin mo naman ang lumpsum ang tuition fee. Nasusubok ang pagiging responsable mo sa pagbabayad at natuto ka din disiplinahin ang sarili mo na sa pagtanggap ng sweldo, may nakalaan ng halaga na itatabi para sa mga investments. Para sa akin, hindi mahalaga kung ano yung mga hirap at pagsubok na naranasan ko kundi kung ano ang mga natutunan ko sa mga karanasan na yun na syang nagbigay ng karagdagang kaalaman sa akin para sa mga susunod pang pagsubok na darating at di inaasahan. (Continuation: Pinoy Self-help Investing No.9)
No comments:
Post a Comment