Pinoy Self-help Investing No.7

Story of my Investing Adventures - Brilliant Reader

Pinoy Self-help Investing No.7, Bago ko pinasok ang investing sa real-estate at kumuha ng condominium unit sa Megaworld at dalawang residential lot sa Asianland, inassess ko muna yung monthly income ko. Inalam ko kung yung pera ba na ilalagay ko sa investment eh hindi magbibigay ng financial trouble sa akin in a way na baka kulangin yung budget ko sa pang-araw araw na gastos. Nag-compute ako ng monthly income ko less yung possible na ihuhulog ko as amortization sa mga investments. Lumalabas na almost 60% ng income ko eh enough para ilagay sa investment at yung 40% naman eh para sa panggastos ko at suporta sa family ko.
Nung time kasi na kumuha ako ng investment eh tapos ko na pina-aral yung pamangkin kong lalaki. Kaya nung dumating yung opportunity na iyon eh di na ako nagdalawang isip na pasukin ang investment kasi gusto ko rin naman bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na makapag-ipon. Tapos na ang responsibility ko sa pagpapa-aral ng pamangkin ko kaya dapat isipin ko rin naman ang future ko. Tulad ng marami sa atin, lumaki ako sa pamilya na hindi pinalad pagdating sa financial aspect ng buhay. Kaya nagsumikap ako na makahanap ng trabaho at kumita ng ipangsusuporta ko sa pamilya ko at sa mga pangangailangan ko. Malamang marami ang nakakarelate sa naging experience ko at kasalukuyan eh nag-iisip na rin kung paano ba nila gagamitin yung perang kinikita nila na hindi darating ang panahon na mauubos rin lang.
Mahalaga talaga na dapat tignan mo kung meron kang steady income kasi yun ang basis para makapag-umpisa ka ng investment. Kapag sinabi mong investment, hindi ito yung one time mo lang huhulugan kundi may certain period of time na kelangan mo punan yung investment mo. Especially sa real-estate, depende sa value ng property o lupa na tingin mo kaya mo hulugan buwan-buwan at kaya mong tapusin bayaran. Ikaw din mismo ang makakapagsabi kung kaya mo o hindi base sa monthly income mo. May mga real-estate investment tulad ng lupa na magd-down ka lang ng Php 10,000 for reservation at maghuhulog ka ng 2,350 buwan buwan hanggang sa makumpleto mo yung pagbabayad ng downpayment. Pagkatapos, i-apply mo sa in-house financing o pwede rin sa bank financing or loan yung natitira mong balance para mapasayo na ang titulo nung lupa na kinuha mo. Maraming mga bangko ang nagbibigay ng financial support para sa ating mga small investors na walang sapat na kakayahan para bayaran ng buo yung price ng property na kinuha natin. Ikaw din ang pipili kung ilang taon ang gusto mo na method ng pagbabayad dun sa loan na kinuha mo. Kung gusto mong mabilis matapos bayaran at tingin mo naman kaya mong magbayad ng mataas na amount eh pwede mo kunin yung 3 years or 5 years lang. Kadalasan pagdating sa mga real-estate property ang range na recommended ay 10 to 15 years para hindi masyadong mabigat ang pagbabayad buwan buwan.
Ngayon, dapat tignan mo rin kung saan mo ba huhugutin yung perang ipambabayad mo sa monthly amortization ng loan na kinuha mo. Katulad ng ginawa ko, para hindi lahat sa monthly salary ko kinukuha yung pambayad ko eh nag-isip at humanap ako ng mga part-time jobs na pwede ako magkaron ng extra-income. Dun naman sa hahanapin mong part-time, dapat ang kukunin mo ay yung hindi malayo sa kakayahan mo o yung tinatawag na naayon sa passion mo. Yung trabaho na kahit napapagod ka eh hindi mo yun iniinda dahil masaya ka na ginagawa mo yun. Ang una kong naging part time job ay ang buy & sell. Dahil sa computers ang skills at line ko at sa Japan ako nagttrabaho eh tumingin ako ng mga second hand laptops na mabibili ko ng mura at pinapadala ko sa contact ko sa pinas na sya namang nagbebenta at dinadagdagan ng konting halaga para kumita. Sa ganong paraan nagkaron ako ng konting kita na pwede ko ipangdagdag sa halagang hinuhulog ko sa mga investments na kinuha ko. (Continuation: Pinoy Self-help Investing No.8)

No comments: