Pinoy Self-help Investing No.6, Napakalaking bagay talaga yung habang bata pa eh nag-uumpisa ka nang mag-ipon at mag-invest. Hindi tayo dapat mag-stick sa lumang kasabihan na mag-enjoy muna habang bata pa. Ang pinaka-wise na mindset ay magsipag at magtiyaga habang bata pa at malakas pa dahil kapag tumanda ka eh dun mo aanihin yung mga pinaghirapan mo. I believe marami sa mga parents natin o mga mas nakatatandang relatives ay iisa ang mga sinasabi, "Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi sana ako naghirap ngayon". Average ng tao sa lipunan kung mapapansin natin eh halos pare-pareho ng pinagkakaabalahan sa buhay. Magttrabaho mula monday hanggang friday tapos gigimik pagdating ng saturday and sunday.
Mahalaga na dapat maging aware tayo sa pag-spend ng pera natin. Halos lahat ng mga books na nabasa ko about saving and investing ay iisa ang pinapayo. Gawin dapat nating rule na wag hayaang mas malaki ang halagang inilalabas o ginagastos natin kesa perang kinikita o sweldong natatanggap natin. Madalas sinasabi ng karamihan sa atin eh "Di bale nang maubos ang kinita ko, ang importante masaya naman at nag-enjoy ako", ito yung nag-uudyok sa atin para maging careless at na-overlooked na natin na may future pa na naghihintay sa atin at nakaabang na malaking responsibility. Di natin naiisip na darating ang araw na mag-aasawa na tayo, magkakaron ng mga anak, magpapaaral ng kolehiyo at marami pang bagay na dapat i-konsider. Nagiging balisa na lang tayo kapag dumating na ang time na nagkaka-edad na tayo, may mga sakit nang nagsusulputan at nababaon na sa utang. Isang napaka-popular na solusyon natin kapag wala nang cash na pambili ng mga luho natin eh ang kumuha ng credit card. Ang akala natin eh makakapagpadali ng buhay natin dahil pwede tayo bumili at oo nga naman babayaran na lang pagdating ng sweldo. Hindi natin naiisip na habang ginagamit natin ang credit card eh para na rin natin ginagamit yung perang hindi pa man natin natatanggap eh ubos na. Kaya kadalasan, tinatamad na tayong pumasok sa trabaho kasi alam na natin na pagdating ng sweldo eh ipambabayad lang din naman at wala nang matitira.
Nakakalungkot na halos karamihan ganito ang nagiging life style natin. Kahit alam na natin o nakikita na natin base sa karanasan ng mga magulang natin eh yun pa rin ang sinusundan natin. May impluwensya na rin siguro dito yung environment kung saan ang nakikita natin eh ganitong istilo o trend ng pamumuhay. Isang magandang solusyon dito ay huwag natin i-pattern yung sarili natin sa kung ano yung kadalasan nakikita natin. Dapat maging matalino rin tayo sa pag-observe ng kung ano yung applicable at hindi dapat gayahin. Bumili tayo ng mga libro na nagtuturo about saving and investing kasi lahat ng mga mababasa natin dito eh ayon sa mga experiences ng authors at kadalasan proven na rin yung results. Kung anuman yung mga napulot nating aral o tips eh subukan din nating i-apply sa actual na pamumuhay para mas makita natin kung epektibo ba o hindi. Huwag tayo matakot sa mga possible risks o failures dahil part talaga yun. Ang bata, bago yan makapaglakad ng tuwid eh talagang nadadapa. Kelangan bago pa man dumating ang risk, napag-isipan na rin natin kung pano natin ma-mitigate iyon ng hindi din ganon kabigat ang impact kung sakaling ma-encounter man natin.
Palagi natin tandaan, isang malaking paraan para hindi tayo mabaon sa utang ay wag tayo gagastos ng mas malaking halaga sa kinikita natin. Kung manghihiram man tayo o mangungutang sa bangko, siguraduhin natin na may ilalaan tayo para sa negosyo ng sa gayon yung kikitain natin sa negosyo ang magiging kapalit pambayad sa interest ng perang hiniram natin. Kadalasan ang nangyayari, kapag nangungutang tayo eh yung interest na lang ang binabayaran natin at hindi yung kapital kaya masaya si Bombay na nangongolekta ng kanyang pautang. Hindi masama ang mangutang basta alam natin kung paano i-disiplina ang sarili sa pagbabayad. Lagi natin babantayan yung interest na binabayad natin at wag magfocus sa perang hiniram. Minsan kasi kapag andyan na ang pera eh sige lang tayo kahit magkano ang interest, tapos sa bandang huli dun na sumasakit ang ulo natin kung paano mababayaran.
Isa pang dapat tandaan natin palagi ang concept ng "Good Debt" at "Bad Debt". Kapag sinabi mong "Good Debt", ito yung mangungutang ka ng pera sa bangko o sa kaibigan mo tapos gagamitin mo pang-negosyo. Ngayon, yung perang kinita ng negosyo mo ang ipambabayad mo sa halagang nautang. Nakapagbayad ka na, may kinita ka pa ng wala ka namang nailabas na pera. Ito yung technique kung saan nagpapasok ka ng pera sa wallet mo ng hindi galing sayo ang kapital o puhunan. Simpleng idea ito kung paano tayo makakapag-generate ng income sa perang hiniram o inutang natin. "Bad Debt" naman ang tawag sa perang hinihiram o inuutang mo pero pinambibili mo lang ng mga luho o pinang-gigimik mo lang. Parang nag-igib ka tapos natapon lang ang tubig na laman ng balde mo kaya ngayon kelangan mo yun palitan at paghirapan na punuin ulit. Ang isang halimbawa nito ay ang credit card, kapag ginamit natin pambili ng kung anu-anong mga kagamitan na hindi naman nagbabalik ng value o pera sa atin eh maituturing natin itong "Bad Debt", kasi binabaon lang tayo sa utang. (Continuation: Pinoy Self-help Investing No.7)
No comments:
Post a Comment