Pinoy Self-Help Investing No.5

Story of my Investing Adventures - Brilliant Reader

Pinoy Self-help Investing No.5, Isa na rin sa dahilan kung bakit kinuha ko itong 96sqm residential property sa Grand Royale, Malolos Bulacan ay para sa mother at mga pamangkin ko. Sa ngayon kasi nag-rrent lang kami sa isang apartment sa may Taguig, malapit sa Office ko. Nagbabayad kami ng Php 5,500 monthly para sa renta. Good thing, naging kaibigan ko yung mismong landlord ng apartment. Dapat Php 6,000 talaga yung monthly rent fee pero nagawa kong hingian ng Php 500 discount. Malaking bagay din talaga yung marunong kang makisama, lalo na kung alam mong may mahalagang ugnayan sayo yung tao. Nakilala ko itong si Kuya Rey, may-ari ng apartment na inuupahan namin sa isang kaibigan ko na dati ko rin ka-schoolmate nung College pa ako.
May 3 units itong apartment nila Kuya Rey, yung unang room na maliit ay Php 3,500 ang monthly rental fee. Nung first year dun muna kami kasi medyo mura, pero di nagtagal eh lumipat kami dun sa next room na mas maluwag kasi maliit yung room na yun lalo na kapag dumarating yung ibang relatives namin para bumisita. Nung lumipat kami, naisip ko na wag i-give up itong maliit na room kasi nung time na yun medyo nag-aaral pa lang din ako ng about real-estate investment at apartments rental procedures. Ang ginawa ko, tinuloy ko pa din ang pagbabayad ng renta dun sa maliit na room ng Php 3,500 pero hinanapan ko ng tenant o mangungupahan. As experiment, bumili ako ng 1 double deck, 16 inches Colored TV, 5 cubic refrigerator, table at 2 chairs then nilagay ko dun sa maliit na room. Sinubukan ko kung may magkakaron ng interesadong tenant dun sa maliit na room provided na may mga gamit akong nilagay. Ang ginawa ko, nagpost ako ng advertisement sa BuySell.ph free ads posting at pinost ko yung features ng unit for only Php 6,000 per month. Noon mismong araw na yun, maraming akong natanggap na mga text, tawag at emails ng mga potential tenants. Tinatanong nila yung location, kung accessible daw ba sa makati, ayala area. Ang maganda dun, sobrang accessible ng location kasi may way papuntang Fort Bonifacio, Market market, Makati or Ayala Area, at accessible din papuntang NAIA airport o kahit papuntang South Luzon. So, nung time na yun andito ako sa Japan at yung pamangkin ko lang ang nasa apartment kaya tinawagan ko yung pamangkin ko para i-meet yung mga potential tenants at para ipakita yung unit. Halos araw-araw may mga tumitingin ng unit at interesado kunin.
Maraming klase ng tenant ang tumitingin, meron ang gusto lang ay for vacation purposes, meaning atleast mga 1 to 3 months lang nila gusto mag-stay sa unit. Meron din naman gusto nila ipareserve lang yung unit then after 2 months pa sila lilipat at meron din atleast 1 to 2 years nila gusto mag-stay sa unit. So, sa pagpili ng tenant natutunan ko din kung paano mo dapat i-evaluate. Dapat tignan mo kung alin ang priority mo. Sa case ko, dahil bumili ako ng mga gamit dun sa unit na halagang Php 22,000 dapat humanap ako ng tenant na makakapg-start na magbigay ng rent dun sa unit. Kung ang binabayaran ko sa landlord ay Php 3,500 at pinapa-upahan ko sya ng Php 6,000 lumalabas na may Php 2,500 na agad ako per month. Yun ang tinatawag na Lease, ibig sabihin ipinagkasundo mo sa landlord na upahan yung unit para paupahan din sa ibang tenants provided na may additional features kang nilagay sa unit para reasonable na maitaas mo yung rent per month.
2 weeks after ng pagpili ng tenants, ang napili kong tenant ay yung magka-officemates na nagttrabaho sa call center sa Makati area. Isang sakay lang sila ng Jeep or taxi papuntang office at sobrang convenient kasi hindi traffic dun sa lugar. May 11 months na silang nagre-rent ngayon dun sa unit at according sa feedback na narinig ko sa kanila eh ayaw nilang iiwan yung unit dahil sobrang convenient at hindi nila pino-problema yung mga gamit, tahimik ang lugar at wala din silang problema pagdating sa tubig at kuryente. Sa 11 months na Php 2,500 na rent fee ng tenant, lumalabas na meron ng Php 27,500. Kung i-deduct mo yung naging gastos as capital para sa mga gamit na Php 22,000 ay meron na akong 5,500 return on investment plus yung value ng mga gamit na ay isama pa sa return-on-investment. Kung iisipin mo, parang galing lang din sa tenant yung perang ginamit ko pambili ng mga gamit na nasa unit. Ang kelangan lang ay gamitin ang time. Kadalasan kasi iniisip agad natin yung gastos na ilalabas natin pero yung patience o paghihintay para sa return-on-investment ang madalas na-overlooked natin kaya nagiging hesitant tayo para umpisahan yung idea na naiisip natin.
Sa ngayon, dahil dun sa natatanggap kong Php 2,500 per month, malaking tulong na yun para pambayad sa tubig at kuryente na binabayaran namin. Minsan simple lang yung idea kung paano papaikutin yung pera pero nagiging kumplekado kapag sinasamahan natin ng mga maling paniniwala o pinangungunahan natin ng mga doubts. Natutunan ko rin sa book na nabasa ko na dapat huwag tayong matakot na minsan mag-take ng risk kung pinag-aaralan naman natin kung ano yung posibleng maging resulta at kung alam din natin paano kokontrolin yung negative results. Maraming mga popular na businessmen ang nagsasabi na lahat sila ay nagdaan sa maraming failures bago nila nakamit yung tagumpay sa kung anumang business nila. Hindi naman kasi natin masisigurado na sa isang hakbang eh yun ang resulta na gusto natin. Ang mahalaga handa tayo sa magiging resulta ng pinasok nating negosyo at kahit paano may assumption na tayo sa mga maaring mangyari. Katulad ng inumpisahan ko, alam kong posibleng hindi pumatok yung naisip ko na bilihan ng gamit yung unit kasi maliit lang pero bago pa mangyari yun inisip ko na kung paano ba ang gagawin ko kung sakaling walang magka-interest na magrenta dun sa unit? Syempre inisip ko na pwede naman namin gamitin yung 1 double deck, TV at refrigerator pang personal na gamit. Ang mahalaga na-try mo gawin yung idea na tingin mong may magandang resulta. Kung mag-fail man ay di mo pagsisihan kasi handa ka sa resulta.
Minsan malaki din ang role ng mindset ng tao sa kung anong future ang pwedeng dumating. Kung puro negative ang iisipin mo about investing, siguradong wala kang mauumpisahan at lagi ka lang nasa safe area. Meaning, kung ano yung tingin mo alam mo na ang kahihinatnan at kaya mong i-handle ang epekto eh dun ka na lang lagi mag-stay. Pero kung lalakasan mo ang loob mo para i-try ang mga idea na naiisip mong may magandang resulta ay malaki ang difference at possibility na magtagumpay ka. Common kasi sa atin ay takot sa risk, takot na subukan yung mga ideas na tingin nating may mawawala sa atin, mas gusto natin yung anticipated na natin ang mangyayari. Isang halimbawa na lang, yung perang kinikita natin buwan buwan mas gusto natin ilagay na lang sa savings kesa magtry tayong mag-invent ng negosyo. Hindi natin alam na yung perang nilalagay natin sa bangko ay syang ginagamit ng mga may-ari ng bangko para gamitin as investment.
Isang naisip ko nga, kung yung pera kong nakalagay sa bangko ay kumikita lang ng 1%, pero yung mismong bangko na gumagamit ng pera ko ay kayang kumita halimbawa ng around 10% pataas dun sa pera ko, bakit hindi na lang ako ang gumawa ng investment instead na ang bangko ang makinabang sa pera ko? Kung iisipin mo sa 10% na kikitain ng bangko, 1% lang ang napupunta sa akin? Na kung ako yung gagawa ng investment na ginagawa nila para sa pera ko ay ako yung tatanggap ng 10%. Yun ang isa pang bagay na nag-udyok sa akin para mag-aral ng investment ideas at kung anu-ano ang mga investments na pwede ko paglagyan ng perang kinikita ko. Syempre, bago natin pasukin ang investment, dapat alamin natin kung yun bang natatanggap natin monthly income ay sapat para maglaan tayo ng investment amount. Bilang beginner, katulad ng karamihan, halos panggastos lang din sa isang buwan ang kinikita ko pero sa konting halaga na tinatabi ko at naiipon, yun ang ginagamit ko para ilagay sa affordable investments. Dapat alam natin kung magkano ba yung para sa investment na kaya nating mawala if ever na hindi maging maganda ang resulta. Sa atin din nakadepende kung paano natin gagawan ng paraan yung source o panggagalingan ng perang i-invest natin para makatulong pandagdag sa kinikita natin. Mahirap ang umasa lang sa monthly pay check dahil kung isang araw eh hindi mo na kayang magtrabaho eh wala ka nang matatanggap na suweldo, unlike kung meron kang ibang investment na magiging source ng income mo kahit paano ay meron ka pa rin matatanggap at makakatulong sa panggastos mo. (Continuation: Pinoy Self-help Investing No.6)


1 comment:

Tony said...

Interesting experiment.