Pinoy Self-Help Investing No.3

Story of my Investing Adventures - Brilliant Reader


McKinley Hill - Entrance


Megaworld Stamford Two - under construction

Pinoy Self-help Investing No.3, Sa 2 years na hinuhulugan ko itong condominium unit ko sa Stamford 2 Mckinley Hills, as self-help investor natutunan ko kung pano nakikipag-negotiate o deal sa mga property consultants (sila yung pwede mo pagtanungan ng status ng construction, contract related concerns, annual value appreciation, etc.). Actually, may 3 property consultants nang nagpalit-palit humawak ng unit ko. Sa pakikipagkwentuan ko dun sa isang property consultant, may mga quota daw sila or target per month na dapat maibenta dahil kung hindi nila yun ma-meet eh possible na maalis sila or yung tinatawag nilang suspension. Nakakatuwa kasi hindi lang ang natutunan ko ay yung sa paghandle ng transactions ng condominium unit but also yung mga nangyayari na rin in the process.
Sa pagi-invest, kelangan buo ang vision mo at maganda ang mindset mo sa future ng investment. Hindi kasi mawawala dyan na may mga ma-eencounter kang negative people in terms of investing. Like sa mga past experiences ko, may mga nakakausap akong ang sinasabi eh "naku, nakakatakot mag-invest ng pera sa pre-selling kasi di mo alam baka pagdating ng panahon eh hindi matuloy ang pag-construct ng building", kung iisipin mo may point nga naman sya. Paano nga naman kung di matuloy ang pag-construct ng condominium? Syempre, isang risk yan. Pero kung alam mo kung saan ka naglalagay ng investment at pinag-aaralan mo din naman kung yung previous history ba ng developer na pinagbilihan mo eh may mga ganong case? So bakit ka bibili sa ganong developer? Sa case ko, kumuha ako sa Megaworld kasi nakita kong lahat ng projects nila ay talagang tinatapos nila at magaganda ang mga locations, very strategic. In fact, Megaworld ang no. 1 competitor ng Ayala ngayon pagdating sa real-estate projects. So, siguro kung wala akong malinaw na vision para dun sa property na kinuha ko at di ko rin pinag-aaralan yung history ng developer, malamang ginive-up ko na yung condominium at nakinig ako sa negative idea na yun.
Hindi talaga maiaalis sa atin na makaramdam ng kaba o takot kasi unang-una yung ini-invest natin ay yung perang pinaghihirapan natin. Pero kagaya nga nung nabasa kong book ni Bo Sanchez "8 Secrets of the Truly Rich", kelangan alam mo rin pag-aralan hatiin yung income mo kung ilang percent ang dapat nasa investment, ilang percent ang nasa life insurance, ilang percent ang nasa emergency fund at kung ilang percent ang for expenses mo. Pinaka-basic idea pagdating sa pag-control ng pera, dapat hindi lumalampas ang expenses mo against sa income mo. Kadalasan kasi sa mindset natin, pagdating ng sweldo iniisip agad natin i-budget sa mga expenses. Madalas napupunta sa mga bagay na luho at hindi yung talagang kelangan. Andyan na yung may ginagamit pang bag pero bibili ng bago at branded pa, considering na maliit lang ang income kaya kung minsan nagkakautang pa. Isang halimbawa na yan ng maling paghawak ng perang pinaghirapan natin. Sabi nga, hindi naman masamang i-spoil mo yung sarili mo sa mga bagay na talagang gusto mo. Pero dapat alam din natin kung kelan natin i-spoil ang sarili natin at yung tamang timing. Hindi yung marami na nga tayong utang panay pa rin ang bili natin ng mga luho. Ang pinakamagandang gawin, dapat kaya natin disiplinahin ang sarili natin na magtabi ng pera para sa luho kung may sobra sa sweldo at yung patience sa paghihintay kung kelan makaluwag, pero dapat hindi nawawala yung magtatabi tayo ng para sa kinabukasan.
Mahalaga talaga yung alamin natin yung mga priorities, ihiwalay natin sa list yung mga kelangan at yung luho para madali natin ma-identify kung alin yung pwedeng hindi paglaanan ng pera. May kasabihan nga, sa ngayon yung mga nag-iinvest daw nagpapakahirap at yung mga hindi nag-iinvest eh nag-eenjoy. Pero bukas, yung mga nag-invest ang nag-eenjoy at yung mga hindi nag-invest naman ang naghihirap kasi umaasa pa rin sa sweldo. Ako yun ang naging malaking takot ko, magmula nung na-realize ko ang investment, kung lagi lang ako umaasa sa sweldo ko kahit pa sabihin nating bata pa ako at malakas pa para magtrabaho pero kung wala naman akong ginagawa para sa future ko, ibig sabihin hindi malabong kahit 50 years old na ako eh nagttrabaho pa rin ako. Yun ang katotohanan at kita ko nang halimbawa nung nagttrabaho ako sa Japan, kahit mga matatanda na talagang nagttrabaho pa rin. Kung minsan may nakakausap ako at tinatanong, gaano ka na katagal nagttrabaho sa company na yan? May nagsasabi 20 years, 30 years at may umaabot pa ng 40 years. Inisip ko sa sarili ko, kung hindi ako gagawa ng paraan ngayon habang bata pa ako malamang baka matulad din ako sa mga ito. Depende rin kasi sa priority ng isang tao yung kapalaran na napupunta sa kanya eh. Kung ako ang tatanungin, ayokong magtrabaho at umabot ng katandaan ko eh nasa kumpanya pa rin ako. Naiinggit nga ako kapag nakikita ko yung mga businessmen o investors na nag-ttravel lang papunta sa ibang bansa para i-manage ang investments nila. Mas mahaba yung time na nailalaan nila sa pamilya at sa pagbbakasyon para i-enjoy yung bunga ng pinaghirapan nila sa pag-iinvest. Sabi ko sa sarili ko, balang araw mararating ko rin yung mga narating nila. (Continuation: Pinoy Self-help Investing No.4)

No comments: