Pinoy Self-Help Investing No.13

Story of my Investing Adventures - Brilliant Reader

Pinoy Self-help Investing No.13, Latest update ng aking first investment sa McKinley Hills, Stamford Residences. Pagkatapos ng mahigit tatlong taon na pagsisikap sa paghuhulog ng monthly amortization ay malapit ko na rin matanggap ang title ng aking unit. Ngayong taon ay naka-schedule na i-turn over ang unit sa akin at i-transfer ko na sa bank financing ang remaining balance nito. Kasunod na aking aasikasuhin ay ang pag-apply ng unit sa property management organizer na mag-aasikaso ng paghahanap ng tenant at mangangalaga para mapanatiling maayos ang unit. Marami nang improvement sa loob ng McKinley Hills katulad ng mga establishments na ngayon ay nasa operation na at marami na rin mga BPO (Business Process Office) ang nasa paligid ng Stamford Residences. Nangangahulugan lamang ito na maraming job opportunities para sa ating mga Filipino ang naghihintay at patuloy na umuunlad ang McKinley Hills bilang isa sa mga sentro ng ating kabuhayan.



(Continuation: Pinoy Self-help Investing No.14

No comments: